Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal.Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015
Katitikan ng Pulong
Katitikan GPTA Pulong sa Paaralan ng Malalinta National High School
Mga Dumalo
- Maria Victoria A. Allauigan -Head Teacher
- Nelson G. Versoza -Teacher III
- Hensley Marquez -Math Teacher
- Kervie Ann Agcaoili -PSB Teacher
- Romelyn Balbido -Teacher III
- Jesusa Nero -PTA President
- Renante Maneja -Math Teacher
- Richard Esguerra -Teacher III
- Nancy Dominguez -Teacher III
Ika-walo ng Hunyo taong 2019 naganap ang unang General Parents and Teachers Association o GPTA Meeting ito ay ginanap sa una at bagong palapag sa paaralan ng Malalinta National High School.
Eksaktong ala-una ang mga magulang ay inatasang pumunta sa mga silid aralan ng kanilang mga anak para bumuto ng mga bagong opisyal. Pagkatapos bumuto, pumunta ang mga magulang sa bagong palapag.
Pinanguluhan ni Kervie Ann Agcaoili ang pagkanta sa pambansang awit at sinundan ng panalangin ni Ginoong Hensley Marquez (Guro ng Matematika). Pagkaraan ay nagbigay ng mensahe Si Ginang Romelyn Balbido at binaksan ang programa na sinundan ngpambungad na mensahe ng kasalukuyang Pangulo ng PTA na si Ginang Jesusa Nero. Iprinisinta ang Pinansyal na Pahayag sa paaralan ni Nancy Dominguez. Richard Esguerra ang guro ng SSG ay nagmungkahi ng mga kailangan sundin sa paaralan o ang mga patakaran at regulasyon na dapat sundin ng bawat mag aaral. Kasunod nito ay ibinigay ng mga guro sa ibat ibang asignatura ang mga mahahalagang bagay sa kanilang saklaw.
Ang pagpupulong ay nagwakas alas tres ng tanghali 3:oopm sa pagbigay ni Renante Maneja (Guro ng Matematika) ang kaniyang huling kataga.
Inihanda ni Lovely U. Esquillo
Grade 12 Student
Adyenda
Saan:
MALALINTA NATIONAL HIGH SCHOOL – NEW SHS BUILDING
Kailan:
Martes ng Alas Otso ng Umaga
Ang ating Adyenda para sa ating pagpupulong sa araw na ito sa Organisasiyon ng The Pager Club.
Mga gaganapin sa Book Month:
- Pag kakaroon ng Seminar Workshop sa Journalism na gaganapin sa Byernes
- Paghahanda para sa selebrasiyon ng Book Month ngayong Oktubre
- Pag-uusap ukol sa kung ano ang gagawing aktibidad para sa simula ng Book Month tulad ng nasaad sa ibaba:
- Paggawa ng Balita
- Reading Tutorial
- At iba pang suhestiyon
- Pagsasaayos ng pagkasunod-sunod ng aktibidad ayon sa abiso ng ating guro sa organisasyong The Pager.
- Pagtalaga ng mga kasapi sa pagpupulong ng kanilang mga gawain sa simula ng selebrasyon
- Pagsasaayos ng mga gawain upang mas organisado at pagbibigay alam nito sa mga estudyante
- Pagtalaga ng araw para sa pagpupulong ng mga pangulo bawat seksyon
- Pagsangguni sa punong guro ng paaralan tungkol sa naging pagpupulong sa nasabing aktibidad
- Pagsasaayos ng gabay at opinyon ng punong guro tungkol sa aktibidad at pagusapan sa susunod na pagpupulong.
Salamat sainyong Kooperasyon!
Inihanda ni:
Lovely Ulant Esquillo
Editor in Chief
Talumpati
Talumpati Tungkol Sa Pamilya
Sa oras ng pangangailangan anumang hidwaan at hindi pagkakaunawaan sa hulit' pamilya pa rin ang ating natatanging kanlungan sa buhay.
Tayo bilang isa sa mga bansang nabibilang sa Asya ay may kaugalian at kulturang kinagisnan na may malapit na ugnayan sa bawat miyembro ng ating mga pamilya. Hindi bago sa atin na nakakakita tayo ng mga uri ng pamilya sa ating lugar na kung saan ay halos lahat hanggang sa mga lolo, lola at mga tiyahin at iba pang kasapi ng pamilya ay kasama sa loob ng isang maliit na tahanan. Hindi natin iniinda kahit na maliit ang tirahan at nagsisiksikan, ang mahalaga ay buo at masaya ang pamilya.
Ganyan ang buhay pamilya nating mga Pilipino. Ang ganitong uri ng sistema minsan ay may naidudulot na kabutihan, minsan naman ay may hindi magandang dulot. Maganda sa tanang, nakakabuo ito ng mahigpit na samahan at pagkakabuklod-buklod ng bawat isa. Pero ang ganitong uri ng samahan minsan ay nagdudulot ng pagiging pala-asa ng mga iba. Hindi tayo matututo na tumayo sa ating mga sariling paa. Habang buhay tayong aasa sa lakas at tulong ng mga mahal natin sa buhay. Ang pagkakaroon ng pamilya lalo na sa mga bago pa lamang ay hindi gawaing biro at laru–laro lamang. Kaakibat nito ay ang responsibilidad. Lalo na kapag may mga anak na umaasa sa magulang. Ang pagpasok sa estadong ito ng buhay ay dapat na masusing pinag-hahandaan. Handa dapat ang tao sa aspetong pang-pinansiyal at ganun rin sa emosyonal.
Walang kasing saya ang pakiramdam ng may pamilyang sarili na maituturing at maipagmamalaki mo sa buhay. Kayamanang tunay kung ito ay sabihin ng mga nakatatanda. Ang pamilya na kahit ano pa mang uri ng bagyo ang pagdadaanan, ang samahan ay pansamantalang mabubuwag ngunit kusa pa rin itong mabubuo dahil sa masidhing pagmamahalan ng bawat isa.
Synthesis
Ang depresyon ay isang uri ng seryosong sakit na nakaaapekto kung paano mag-isip at kumilos ang isang tao. Ito ay maaaring magbunga hindi lamang ng pisikal na mga problema kung hindi pati na rin sa emosyonal at sosyal na aspeto. Ayon sa American Psychiatric Association, ang mga sintomas na gaya ng nabanggit sa itaas ay maituturing na depresyon kung ito ay tumagal ng hindi bababa sa dalawang linggo.
Ayon sa World Health Organization, 300 milyong tao sa buong mundo ang nagdaranas ng depresyon. Ang mga edad na nasa pagitan ng 18 hanggang 25 taong gulang ang itinuturing na may pinakamalaking potensyal na magkaroon nito. Dahil dito, mataas na porsyento ng mga tao ang nagpapakamatay at ito ay ika-sampu sa pinakamataas na sanhi ng pagkamatay ng tao.
Ang depresyon ay mayroong iba’t ibang uri. Isa na rito ang tinatawag na “seasonal depression”. Ang depresyon na ito ay mayroong “seasonal pattern”. Sa madaling salita, nararanasan ito ng isang tao kasabay ng pagbabago ng panahon. Karaniwang nakararanas nito ang mga taong nasa malalamig na lugar. Ayon sa istatistika, apat sa limang nakararanas nito ay mga kababaihan. Ang isa pang uri ng depresyon ay tinatawag na “postpartum depression”. Ito ay karaniwan sa mga kababaihan na nagdaan sa kalungkutan, o sobrang kapaguran sa kanilang panganganak na nagbubunga ng hindi maayos na pag-aalaga sa kanilang mga sanggol o sa kanilang sarili. Isa sa pitong kababaihan ang nagdaranas nito.
Ang paggamot sa depresyon ay isang suliranin na dapat pagtuunan ng pansin. Ito ay lubos na nakaaapekto sa buhay ng tao at nangangailangan ng labis na atensyon sapagkat buhay na ang
nakasalalay dito.
Bionote
Talambuhay ni Lovely U. Esquillo
Si Lovely ay isang pursigidong estudyante. Siya ay nagtapos ng primarya sa Malalinta Elementary School taong 2012. Nagkamit siya ng mga parangal gaya Most Polite at GSP Award at iba pang mga medalya.
Sa kanyang pag-aaral ng secondarya ay naparangalan siya ng With Honors mula Grade 7 hanggang Grade 10. Sumali din ng ibat ibang patimpalak pagandahan, Math at Science Quiz Bee, Jingle sa Nutrition Month at ibat ibang talumpati. Naging leader din siya sa ibat ibang organisasyon noong Grade 7 ay Vise Presidente siya ng Filipino Club, Grade 8 ay Presidente siya ng ESP Club, Grade 9 naging Presidente siya ng Filipino Club at noong Grade 10 ay Presidente siya ng Math Club at sa kaniyang ika-labing isang baitang ay naging Vice President siya ng SSG Club.
Ngayon ay nag-aaral na siya sa Senior High na siya patuloy parin niyang inaabot ang kaniyang pangarap. Siya ay kasulukuyang Editor in Chief ng The Pager. Mahilig si Lovely na magbasa ng libro at sumulat ng ibat ibang tula. Patuloy siyang nangangarap para sa ikauunlad ng kaniyang sarili. Nais niyang matulungan ang kaniyang pamilya at kapwa. Nangangarap siyang bumuo ng ibat ibang Foundation na makakatulong sa kalikasan at Mapanatili ang ang Kabutihan at Pananampalataya sa Diyos.
Pakikipanayam
Impormasyon sa Kinapanayam
Pangalan: Rosalie B. Ramirez
Taong Gulang : 40
Trabaho: Tindera
Tirahan: Malalinta, San Manuel, Isabela
Tanong at Kasagutan
1. Magkano ang sahod niyo sa isang linggo?
2. Bakit nio po napili ang trabahong ito?
3. Masaya po ba kayo sa inyong trabaho?
Impormasyon sa Kinapanayam
Pangalan: Rosalie B. Ramirez
Taong Gulang : 40
Trabaho: Tindera
Tirahan: Malalinta, San Manuel, Isabela
Tanong at Kasagutan
1. Magkano ang sahod niyo sa isang linggo?
- Ang sahod ko sa isang araw ay isang libo (Php.1000) kaya sa isang linggo ang sahod ko ay limang libo (Php.5000) kase limang araw ang trabaho ko sa isang linggo.
2. Bakit nio po napili ang trabahong ito?
- Ito lang kase ang madaling pagkakitahan ng pera
3. Masaya po ba kayo sa inyong trabaho?
- Oo, Kase nakakatulong ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ng mga anak ko.
4. Ano po ang maipapayo niyo sa amin na mag-aaral?
- Mag-aral kau ng mabuti para matulungan ninyo ang pamilya niyo.
Editoryal
Inflation Rate Umaarangkada!